“Mamamayan, pwedeng umahon sa kahirapan” – DSWD

“Mamamayan, pwedeng umahon sa kahirapan” – DSWD

“Mamamayan, pwedeng umahon sa kahirapan” – DSWD

101
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ito ang mensahe ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Director 3 Gemma Gabuya sa launching ng SM Foundation Kabalikat sa Kaunlaran para sa training
ng mga magsasaka sa Bgy Tuyo, ng lungsod na ito ng nakaraang Linggo.
Ayon kay Director Gabuya natutuwa umano siya na 50 sa kanila ay mga beneficiaries ng 4Ps at kung talaga umanong kanilang pagsusumikapan, “pwedeng umangat ang mahihirap sa kanilang kalagayan dahil mayroon
silang kakayanan.”
Sinabi pa ni Gabuya na kinakailangang magsikap ang bawat isa na tapusin ang training ng 14 na linggo para talagang matutunan nila at makapagsanay na magiging simula ng pagbabago ng kanilang buhay,
Nagpapasalamat din umano siya na may SM Foundation na handang tumulong sa ating mahihirap na kababayan na naglalaan ng kanilang resources, time at effort para makatulong na umangat ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng makabagong pagsasaka.
Ang DSWD umano ayon pa kay Gabuya ay maaaring maglaan ng tig P10, 000.00 na loan sa bawat 4P’s na participant na makakatapos ng training bilang pagsisimula sa kanilang kabuhayan.
Ang SM Foundation Kabalikat sa Kabuhayan na ikalawa na sa lalawigan ng Bataan ay napatunayang may sustainability sa kanilang proyekto sa bayan
ng Dinalupihan ayon pa kay SM Foundation AVP Cristy Angeles.

Facebook Comments