May pera sa atsuwete!

May pera sa atsuwete!

May pera sa atsuwete!

705
0

PILAR, Bataan – Alam  ba ninyo na ang bunga ng Atsuwete o Annatto ay malakas palang pagkakitaan at iyon ang hindi alam  ng marami sa ating mga kababayan dito sa Bataan at karatig  lugar.

Ang atsuwete ay isang maliit na puno na tumutubo kahit saang lugar. Kapag ang bunga nito ay medyo naging dark brown na pwede na itong pitasin at kunin ang buto.

Kapag ibinabad ang mga buto sa tubig o kaya man pinakuluan ay nagkukulay pula o matingkad na kulay kahel na kadalasang hinahalo sa mga pagkain, pansit, kung minsan ginagamit din ito bilang cosmetics.

Hindi lang iyon, mayaman din ito sa Vitamin E at kaya niyang protektahan ang ating mga mata para hindi tayo magkaroon  ng catarata.

Bukod dito malaking tulong ang atsuwete sa pangkabuhayan dahil nagkukulang sa pamilihan ang ang buto nito at sa totoo lang hindi pa natin kayang mag export ng atsuwete sa ibang bansa dahil sa kakulangan ng produksyon dahil binibili lahat ng isang kompanya na gumagawa ng Mama Sita ang annatto seeds.

Sinabi ni Josephine Ciriaco, Agriculture Extension Worker ng Department of Agriculture ng Pilar na malaki ang kita sa pagtatanim ng punong ito dahil ang isang kilo ng mga buto ng atsuwete ay aabot na umano sa halagang P3 libo hanggang  P5 libong piso ang bentahan.

Kung kaya’t hinihikayat ni Ms. Ciriaco ang ating mga magsasaka na simulan na ang pagtatanim ng atsuwete. At isa pang kahusayan nito, ang atsuwete ay maaring itanim at mabubuhay sa anomang panahon.

Facebook Comments