May pera sa bonsai

May pera sa bonsai

May pera sa bonsai

599
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – May isang tao na handang tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman kung paano makakapagparami ng mga puno na hindi lumalaki na kung tawagin ay bonsai.
Ayon kay G. Ricardo Chua, na naninirahan sa Barangay Tugatog Orani, ang pagbobonsai sa kanya, dati ay isang libangan lamang. Subalit di naglaon, sa pamamagitan ng sipag at tiyaga na kahit walang sapat na puhunan ay ipinagpatuloy niya ito, hanggang sa lumipas ang dalawang taon nagulat siya na mayroon na siyang mga buyers.
Halos lahat ng tanim ni G. Chua ay galing sa kabundukan kung saan. pumipili siya mga punong malalaki at hahanapin niya ang mga sanga na posibleng mag-ugat at iyon ang kanyang kukuhanin.
Sinabi pa ni Chua na madalang man siya makapagbenta ngunit ang bawat halaman na maibenta naman nya ay nagkakahalaga ng 100 hanggang 300 libong piso.
Sa kasaluyan mayroon siyang local variety na umabot na sa 300 puno tulad ng bayabas, sampalok, santol, manga, palate, kamatsili at iba na makikita sa harapan at tagiliran ng kanilang tahanan.
Sa sino man po na gustong magtungo sa kanyang farm o kaya man magpaturo narito po ang kanyang cp# 0907-3374-703.

Facebook Comments