Mayor Aida, binigyang solusyon ang problema sa langaw

Mayor Aida, binigyang solusyon ang problema sa langaw

Mayor Aida, binigyang solusyon ang problema sa langaw

340
0

SAMAL, Bataan – Hindi na nahintay ni Mayor Aida ang susunod na linggo, dahil noong araw din ng Sabado ay personal na niyang binisita ang mga malalaking
manukan sa bayan ng Samal para bigyang solusyon ang lumalalang problema sa langaw.
Sa kanyang pag iinspeksyon sa iba’t bang manukan kasama ang kanyang Menro, si G. Calara at iba pang staff, mahigpit na kinausap ni Mayor Aida Macalinao ang may ari at mga taong nangangalaga sa mga nasabing manukan na kinakailangang sumunod sila sa itinakda ng batas sa tamang proseso sa “pagha harvest” ng manok upang hindi mabulabog ang mga langaw at maka paminsala sa mga tao.

Nakiusap si Mayor Macalinao na hangga’t maaari ay ayaw niyang magpasara ng mga poultry dahil ito’y nakatutulong sa kabuhayan ng mga tao at ekonomiya ng bayan ng Samal subali’t ayon pa sa kanya na kinakailangan din naman na makiisa sila sa pagsusulong ng malusog, malinis at ligtas na pamayanan sa bayan ng Samal.
Sinabi pa ng butihing Mayor na hihilingin din niya ang agarang pagrebisa sa Pambayang Ordinansa ng Sangguniang Bayan ng Samal upang malaman kung may mga kinakailangan pang amyenda sa pagpapatupad ng nasabing batas.

Facebook Comments