Mayor Jopet at Rep. Roman nanguna sa ika- 121 pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan sa Hermosa

Mayor Jopet at Rep. Roman nanguna sa ika- 121 pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan sa Hermosa

Mayor Jopet at Rep. Roman nanguna sa ika- 121 pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan sa Hermosa

66
0

HERMOSA, Bataan – Kasabay ng pagdiriwang ng Ika-121 Taong Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas sa buong bansa ay pinangunahan ni Hermosa Mayor Jopet Inton ang pormal na selebrasyon sa Plaza ng Hermosa nitong Miyerkoles ng umaga.
Dinaluhan din ito ng mga kasalukuyan at mga bagong halal na lingkod bayan ng Hermosa kabilang sina Vice Mayor-elect Eigie Malana at mga myembro ng Sangguniang Bayan ng Hermosa (SB Hermosa).
Naging panauhing pandangal si Kinatawan ng Unang Distrito ng Bataan, Congresswoman Geraldine Roman na siya ring naging tagapanguna sa panunumpa sa tungkulin ng ilang myembro ng SB Hermosa.
Matapos nito ay nagtungo rin si Kinatawan Roman sa bayan ng Samal na nagdiwang din ng Araw ng Kalayaan at sinaksihan ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na lokal na opisyal ng Samal sa pangunguna ni Mayor-elect Aida Macalinao.

Facebook Comments