Mayor Jopet naglaan ng P41.4M pondo para sa mga proyektong pambata

Mayor Jopet naglaan ng P41.4M pondo para sa mga proyektong pambata

Mayor Jopet naglaan ng P41.4M pondo para sa mga proyektong pambata

53
0

HERMOSA, Bataan – “Ngayong taong ito naglaan po tayo ng halos P1.5M para sa mga programa ng MCPC (Municipal Council for the Protection of Children)…Bukod pa dito, mahigit 40 milyong piso ang inilaan ng ating tanggapan para sa mga programang pambata at pangkabataan.”
Ito ang bahagi ng talumpati ni Hermosa Municipal Mayor Jopet Inton sa isinagawang State of the Children’s Address nitong nagdaang Hueves sa Covered Court ng Barangay Mandama ng bayang ito bilang bahagi ng National Children’s Month Celebration tuwing buwan ng Nobyembre.
Ang pagdiriwang na ito ay may temang: “Tamang Pag aaruga Para sa Lahat ng Bata.”
Dinaluhan ito ng mga miyembro ng MCPC, kawani at opisyal ng MSWD, Day Care workers, estudyante, mga magulang at mga barangay officials.
Katuwang ng Hermosa LGU ang PNP partikular ang Women and Children Protection Desk, MSWDO at Municipal Health Office sa tungkuling ito upang maging ligtas ang mga kabataan laban sa pang-aabuso at maitaas ang antas ng kabuhayan, kaalaman at partisipasyon ng mga kabataan sa kasalukuyang kalagayan ng pamahalaan.
“Upang lalong matutukan ang kapakanan at kaligtasan ng mga bata na may edad 18 pababa ang inyong lingkod ay naglabas ng Eecutive Order na naglalayong magbuo ng isang Committee at ito ay ang Hermosa Municipal Council for the protection of Children,” dagdag pa ni Mayor Inton.
Ang naturang council o samahan ay binubuo ng ibat ibang departamento ng pamahalaang bayan katuwang ang ilang national government agencies kasama ang DepEd, PNP BFP, NGOs, provate schools at civic organizations.
Layon ng MCPC na gawing ganap na child friendly municipality ang bayan ng Hermosa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga programa at serbisyo na nauukol sa 4 na pangunahing karapatan o basic rights ng mga bata: ang karapatang mabuhay; karapatang umunlad; karapatang maproteksyonan; at ang karapatang marinig ang kanilang tinig.

Facebook Comments