Medical mission, isinagawa sa Mariveles

Medical mission, isinagawa sa Mariveles

Medical mission, isinagawa sa Mariveles

112
0

MARIVELES, Bataan – Daan-daang katao ang natulungan ng isinagawang Medical Mission sa pagtutulungan ng Mariveles Centennial Lion’s Club, Subic Bay Lion’s Club at Calgary Lion’s Club noong Sabado, ika – 8 ng Hunyo sa Mariveles Sports Complex ng bayang ito.
Sa tala ng Mariveles Lion’s Club, umabot sa mahigit 600 na matatanda at bata ang naserbisyuhan ng medical missison.
Nabigyan naman ng libreng salamin ang may 400 katao, kabilang na rito ang ilang senior citizens at may malalabong paningin sa bayang ito
Nasa 825 pirasong salamin sa mata na dala ni dating Mariveles Mayor Melba Obligacion Buenaventura sa tulong ng Calgary Lion’s Club mula sa Canada ang naipamahagi.
Isang daan naman ang nagpatingin ng kanilang karamdaman gamit ang laboratory, x-ray at ECG kaya malaking kaginhawahan ito para sa kanila.

Facebook Comments