Medical mission para sa mga mangingisda at magsasaka

Medical mission para sa mga mangingisda at magsasaka

Medical mission para sa mga mangingisda at magsasaka

217
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Sa kanyang pakikipag-ugnayan sa mga magsasaka at mangingisda sa unang distrito, partikular na sa bayan ng Samal at Hermosa, sinabi ni Congresswoman Geraldine Roman na kanya umanong bibigyan ng prayoridad na matingnan ng mga espesyalistang doktor ang mga mata ng mga mangingisda at magsasaka sa dahilang tila apektado na ito ng kanilang hanap buhay.
Ayon kay Cong. Roman, sa kanyang pulong sa mga mangingisda nitong nakaraang linggo para magbigay ng 25 units ng 20-footer motorized fiberglass reinforced plastic boats sa bayan ng Samal at 15 units naman sa bayan ng
Hermosa na may kasamang mga life vests, gillnets, lamps, flashlights at iba pa na kanyang nahinging tulong mula sa Bureau of Fisheries, ay na obserbahan nya umano na, hindi makatingin ng diretso ang mga mangingisda sa kanya at tila nasisilaw ang mga ito kapag kanyang kinakausap.
Sinabi ni Cong. Roman na ang ganitong sitwasyon ay nangangahulugan lamang na ang kanilang pagkasilaw ay dahil sa sobrang exposure ng kanilang mga mata sa araw dahil sa kanilang hanap buhay.
Kung kaya’t masaya niyang ibinalita sa mga ito na kanyang prayoridad sa 2019 ang pagkakaroon ng medical mission para lamang sa mga mangingisda at maging sa mga magsasaka, na kung saan ay magdadala siya ng mga espesyalistang doctor o ophtalmologists para ma-check up ang mga mata ng lahat ng mga mangingisda at magsasaka sa unang distrito.
Samantala sa pulong ay sinabi ni Regional Director Lilian Garcia ng Bureau of Fisheries na hindi lamang pagbibigay ng bangka ang gagawin nila kundi tutulungan din umano nila ang mga mangingisda kung papaano gumawa ng bangka.

Facebook Comments