Mga gamit pambukid, ipinamahagi sa mga magsasaka

Mga gamit pambukid, ipinamahagi sa mga magsasaka

Mga gamit pambukid, ipinamahagi sa mga magsasaka

200
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Pinangunahan ni Mayor Francis Garcia kasama si Konsehal Benjie Mirinio ang pamamahabgi ng mga kagamitang pambukid kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng butihing mayor, sa mga kasapi ng iba’t ibang asosasyon na magbubukid sa Balboa’s Farm Sitio Maluang Cupang Proper ng lungsod na ito, kahapon ika-9 ng Oktubre.

Personal na inabot ni Mayor Francis sa mga magsasaka ang mga gamit na pambukid na kinabibilangan ng isang unit na shredder, water pump, limang sprayer, hybrid seeds ng palay, compost, at isang kalabaw.
Ayon kay City Agriculturist Nerissa Mateo umaabot sa mahigit na P4 Milyon ang halaga ng mga ipinamahagi sa mga magsasaka.
pinaliwanag naman ni City Supervisor and Farm Technician Ronie Lopez hindi na binigyan ng seeds ang mga magsasakang nakinabang noong panahon ng tag-ulan habang 2 sakong hybrid seeds naman ang ibinigay sa mga nagsasaka na mayroong isang ektaryang sakahan na gagamitin nila ngayong tag-araw.
Samantala pinasalamatan naman ng mga Chairman ng Asosasyon at mga magsasakang tumanggap ng mga gamit si Mayor Francis.

Facebook Comments