Mga kandidato sa bayan ng Abucay, wala sa Narco list

Mga kandidato sa bayan ng Abucay, wala sa Narco list

Mga kandidato sa bayan ng Abucay, wala sa Narco list

275
0

ABUCAY, Bataan – Ito ang malinaw na ipinahayag ni Capt. Jennifer Cruz, bagong  PNP Station Commander ng bayang ito, sa pagsisimula ng kampanya kasabay ang pagdaraos ng Peace Covenant para sa darating na barangay election.

Ayon pa  kay Capt. Cruz natutuwa ang PNP na wala isa man sa tatakbong kandidato sa pagka punong barangay, SK chairman at mga kagawad ang nasa listahan na inilabas ng PDEA at Malacanang hinggil sa mga narco-politicians o yong mga pulitikong may kinalaman o sangkot sa droga.

Pinangunahan din ni Capt. Cruz ang panunumpa ng katapatan ng may 236 na mga kandidato para sa isang malaya, maayos, tapat, payapa at kapani-paniwalang halalan.

Samantala, ipinaliwanag naman ni COMELEC Registrar Maritess Baltazar ng bayan ng Abucay ang mga batas na sumasaklaw, mga alituntunin at regulasyon  sa kampanya, mga tamang size ng posters at kung saan ito dapat ilagay, na bawal na bawal umano ang anumang suhol o regalo, paggamit ng  anumang uri ng karahasan, higit ang pagsisiwalat ng mga naging gastos ng mga kandidato, ito man ay nanalo o natalo sa nasabing eleksyon.

Sa kabuuan, naging maayos, masigla at tagumpay ang idinaos na Peace Covenant, na ginanap sa Bgy. Laon sa tulong na rin at paggabay ng mga opisyal ng pamahalaang local ng Abucay sa pamumuno ni Mayor Liberato Santiago.

Facebook Comments