Mga kompanya at bilang ng mga manggagawa sa FAB, patuloy ang paglago

Mga kompanya at bilang ng mga manggagawa sa FAB, patuloy ang paglago

Mga kompanya at bilang ng mga manggagawa sa FAB, patuloy ang paglago

105
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Tuluy-tuloy ang paglago ng mga kompanya at paglobo ng bilang ng mga manggagawa sa Freeport Area of Bataan (FAB), ito ang mariing kinumpirma ni Chairman Emanuel Pineda ng Authority of the Freeport Area of BAtaan (AFAB, kahapon, ika-12 ng Marso sa isang presscon sa Plaza Hotel ng lungsod na ito.
Ayon kay Chairman Pineda tinututukan nila ang mga priority projects gaya ng housing, mga hotels, expansion ng lugar, accessibility, makabagong enerhiya at transportasyon.
Sa kasalukuyan mayroon pang 26 na ektaryang bakanteng lupain na sakop ng FAB na pwede pang tayuan ng mga kompanya.
Ipinahayag pa ni Chairman Pineda na umabot na sa 41,888 ang kabuuang bilang ng mga mangagawa sa FAB nitong buwan ng Pebrero at 58 porsyento dito ay mga regular na samantalang 96 na kompanya ang patuloy ang operasyon sa loob ng FAB.
Magtatayo din ng magarang FAB Central Terminal sa harap ng gusali ng AFAB at plano ring maglagay ng(E-Jeepney o kaya man ay Mono Rail na siyang maghahatid sa mga empleyado na nasa loob ng FAB.

Facebook Comments