Mga lote sa Sumalo sinusukat na ng DAR

Mga lote sa Sumalo sinusukat na ng DAR

Mga lote sa Sumalo sinusukat na ng DAR

263
0

HERMOSA, Bataan- Inuumpisahan na umano ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pagsukat sa mga lote sa makontrobersiyang 200-ektaryang lupain sa Barangay Sumalo, sa bayang ito.
Sinabi ni Agustin delos Reyes, Sanguniang Barangay secretary, na unti-unti na umanong sinusukat ng tauhan ng DAR ang pagsukat at pagsurvey sa mga lupang sakahin sa naturang barangay mula nang ibasura ng Opisina ni Pangulong Duterte ang kahilingan ng Pamilyang Litton na ibalik sa pagiging industrial ang ngayon ay agrikultural na lupian.
May ilang dekada nang nakikipagtunggali ang mga residente ng Sumalo upang mapasakanila ang lupang sinasaka. Sa pamamagitan ni Hermosa Mayor Jopet Inton muling binuksan ang kaso at ipinababalik sa pagiging agrikultural ang naturang lupain upang mapakinabangan ng mga residente.
Ayon kay Delos Reyes, sa ngayon ay nakabakod pa rin ang kanilang sakahin kung kaya’t hindi sila makapagtanim ng halaman. Kung mayroon man umano silang dapat anihing mga gulay at prutas, ang mga ito ay hindi nila maani sapagkat nababakuran ang lupang sakahin.
Ang barangay ay may kabuuang 1,600 ektarya, ayon sa SB secretary na nagsabing noong 1940s pa umano sila nakatira sa Sumalo.

Facebook Comments