Mga nagwagi sa KWF Talaang Ginto 2019

Mga nagwagi sa KWF Talaang Ginto 2019

Mga nagwagi sa KWF Talaang Ginto 2019

93
0

ORION, Bataan – Sinagisag ng simbolikong pagbatingaw sa pagbubukas ng buwan ng Panitikan 2019 na pinangunahan nina Vice Gov. Cris Garcia, ng lalawigan ng Bataan, Komisyoner Virgilio S. Almario at iba pang kalipunan ng mga komisyoner ng KWF, ang pagsisimula ng Kampong Balagtas para sa buwan ng Panitikan.
Sa kanyang mensahe sa hardin ni Balagtas, sinabi ni Vice Gov. Cris Garcia na dapat umanong kapulutan ng aral at isabuhay ang mga akda ni Francisco Balagtas.
Hiniling naman ni Mayor Tonypep Raymundo ng bayan ng Orion sa kanyang welcome remarks na huwag kalimutan ang mga kontribusyon ni Balagtas sa ating panitikan at mainit na tinanggap ang mga panauhin at mga delegado mula sa buong bansa sa kanyang bayan at sinabing umaasa siya na muling magkikita kita sa susunod na taon.
Nagwagi sa Talaang Ginto sa taong 2019 sina MJ Cagumbay Tumamac, manunulat mula sa lungsod ng General Santos, bilang makata ng taon 2019 sa kanyang tulang, “Mag abang ng bangkay sa baybay”.

Si Fr. Arnel Samson Vitor, kasalukuyang naninilbihan sa Diyosesis ng Antipolo, sa tulang “May nakakatawa ba sakaling may mamatay?”at ang ikatlong gantimpala ay nakuha ni Richard Regadillo Gappi, ng Angono Rizal News, nagtatag ng Neo Angono Artists collective, sa kanyang tulang, “Panahumdom at sa kalye Real at Sagkahan.
Ang pinakarurok ng palatuntunan ay ang pagkakaloob ng Gawad Dangal ni Balagtas 2019 kina Reynaldo “Rey” Valera Guardiano para sa Musika, na sumulat at umawit ng mga himig at nilalaman ng pusong Filipino at Rodolfo Vera na buong dahas na ipinamalas sa dula, sa pagiging manunulat, direktor,
aktor at tagasalin, ang paninindigan ng isang manlilikhang taliba ng kamalayang panlipunan.

Facebook Comments