Morong Health Center, kinukumpleto

Morong Health Center, kinukumpleto

Morong Health Center, kinukumpleto

676
0

Morong Health Center, kinukumpleto

Ni Jonie Capalaran

MORONG, Bataan – Upang makasiguro na mapangangalagaan ang kalusugan ng kanyang mga kababayan, lalo na ang mga Senior Citizens, nangangalap ang mga pinuno ng bayang ito ng mga taong tutulong para makumpleto ang mga kagamitan sa Morong Health Center.

Ayon kay Morong Mayor Cynthia Estanislao, kailangan ng kanilang Health Center ng mga medical equipment para matugunan ang mga pangangailang medikal ng kanyang mga kababayan.

Sinabi pa ni Mayor Estanislao na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Health at sa Pamahalaang Panlalawigan na nangako naman na magbibigay ng tulong.

Nabanggit din ni Mayor Estanislao na marami sa kanyang mga kababayan ang mabibigyan ng trabaho dahil sa napipintong pagpasok ng mga investors sa Bataan Techno Park (dating Refugee Processing Center).

“Pag naganap ito ngayong taon marami sa ating mga kababayan ang mabibigyan ng trabaho at unti-unting sasaya ang kalakalan sa bayan ng Morong”, dagdag ni Mayor Estanislao.

Si Mayor Cynthia Estanislao, na isang doktora ay nahalal bilang Punong Bayan ng Morong nang walang katunggali. Pinalitan niya ang kanyang asawa na si Dr. Jorge Estanislao na nakaka isang termino pa lamang.

Facebook Comments