Motorista, mamamayan, natuwa sa paglalagay ng streetlights sa zigzag road

Motorista, mamamayan, natuwa sa paglalagay ng streetlights sa zigzag road

Motorista, mamamayan, natuwa sa paglalagay ng streetlights sa zigzag road

160
0

MARIVELES, Bataan – Namangha at natuwa ang mga motorist at mamamayan sa bagong proyekto ng LGU ng Mariveles sa paglalagay ng mga street lights sa kahabaan ng zigzag road sa bayang ito mula sa arko sa itaas hanggang sa bumaba at dumating sa bahagi ng Freeport Area of Bataan (FAB).

Ayon kay Special Assistant to the Mayor, Jaypee Jalos, sisimulan na umano sa susunod na buwan ang paglalagay ng mahigit kumulang sa limampung (50) LED street posts sa kahabaan ng zigzag road para maging maliwanag, maayos at ligtas sa panganib ang paglalakbay ng daan-daang pasahero at mga manggagawa ng FAB.

Samantala sa panayam sa mga drivers ng mini buses na siyang pangunahing sasakyang papuntang Mariveles, na malaking tulong ang paglalagay ng ilaw sa zigzag para makaiwas sa disgrasya, gayundin ayon pa sa kanya na, hindi na nakakatakot mamasada sa gabi kung ganyan umanong maliwanag na ang daan lalo pa’t zigzag ang daraanan mo.

Maging ang mga drivers ng malalaking bus tulad ng Genesis at Bataan Transit, na ito ay malaking ginhawa para sa kanila lalo pa’t malalaking sasakyan ang minamaneho nila.

Samantala, kung natuwa ang mga drivers higit umano ang mga pasahero tulad ni aling Delia

Advincula, na ayon sa kanya, maiibsan ang takot niya sa paglalakbay sa gabi lalo pa sa pagdaan sa zigzag dahil magiging maliwanag na ito.

Hindi binanggit ni G. jalos ang kabuuang halaga na magagastos ng Pamahalaang Bayan ng

Mariveles pero tiniyak niya na may sapat na pondo ang lokal na Pamahalaan para sa mahalagang proyektong ito.

Facebook Comments