MPBL fans, nag donate para sa Capunitan fire victims

MPBL fans, nag donate para sa Capunitan fire victims

MPBL fans, nag donate para sa Capunitan fire victims

274
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Pinasayang muli ng Bataan Risers ang mga Bataeños pati na ang mga biktima ng sunog sa Capunitan nang magapi nila ang Muntilupa Cagers sa iskor na 67 – 63 noong Lunes, ika-4 ng Pebrero sa Bataan People’s Centers. Dahil dito, napanatili ng Bataan Risers ang pangunguna sa team standing na 19-2.
Sa maikling mensahe ni Gob. Abet Garcia, sinabi nyang napaka espesyal ng laro sa gabing iyon hindi lamang dahil dumating si Sen. Manny Pacquiao, kung hindi iniaalay din ang larong yon sa mga biktima ng sunog sa Capunitan.
Sinabi din ni Gob. Abet na inaasikaso na nila nina Orion Mayor Tony Pep Raymundo ang relocation area para sa rehabilitasyon ng mga nasunugan.
Pinasalamatan din ng gobernador ang lahat ng mga nagbibigay ng tulong sa mga nasunugan
Noong gabi ding iyon ay iniabot ni Gob. Abet kay Mayor Raymundo ang isang malaking kahon na naglalaman ng donasyon na nalikom mula sa mga nanood ng MPBL game.
Samantala, ang nasabing laro ay napanood din ng live ng mga nasunugan dahil nag set up ng wide screen ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan sa pakikipagtulungan sa MPBL, sa mismong lugar na pansamantalang tinutuluyan ng mga fire victims, sa Bataan School of Fisheries.
Taos puso ding nagpasalamat si Mayor Raymundo sa lahat ng mga tumutulong.

Facebook Comments