Munisipyo ng Orion, itatayo sa mas magandang lugar

Munisipyo ng Orion, itatayo sa mas magandang lugar

Munisipyo ng Orion, itatayo sa mas magandang lugar

121
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ito ang magandang ibinalita ni Mayor Tonypep Raymundo sa isang panayam ng mga reporter sa kanyang opisina kamakailan.
Ayon kay Raymundo, sa halip na ipa renovate ang kanilang munisipyo ay nais nilang itayo ito sa isang mas maganda at maluwag na lugar; dagdag pa ni Mayor Tonypep, napag iiwanan na sila ng halos lahat ng munisipyo sa buong lalawigan kung kaya’t isa ito sa mga plano nila sa terminong ito.
Subali’t mabilis ding sinabi ng Mayor na una dito ay nais nilang tapusin muna ang nauna nang plano na resettlement area para sa mga nasunugan sa Sitio Depensa sa Capunitan, kung saan ay buo na ang plano ng mga housing units na may 18 apartment buildings na kumpleto sa mga pasilidad at mababang upa lamang.
Samantala, sa pinaplano na bagong munisipyo ay tinitingnan nila ang Brgy. Sto. Domingo bilang lugar nito dahil sa malapit sa mga tao at maluwag, na kahit tanggapan ng mga national agencies ay pwedeng mailagay.
Sinabi pa ni Mayor Tonypep na handa na ang kanilang LGU para maisakatuparan ang malalaking proyektong ito katuwang si Gov. Abet Garcia.

Facebook Comments