Nasunugan sa Mariveles, tatanggap ng tulong

Nasunugan sa Mariveles, tatanggap ng tulong

Nasunugan sa Mariveles, tatanggap ng tulong

457
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Aprobado na ng Pamahalaang Lokal ng bayan ng Mariveles ang pagbibigay ng pangunang tulong sa 12 pamilyang nasunugan sa Bgy. Malaya ng bayang ito.

Ayon kay Mayor Ace Jello Concepcion, ang 12 pamilyang nasunugan ay tatanggap ng tig sampung libong tulong mula sa pamahalaang lokal para makapagtayo ng pansamantalang bahay sa nasabing lugar.

Dalawang opsyon ang ibinigay ni Mayor Concepcion sa mga pamilyang nasunugan, una kung nais nilang tumira sa Fiesta Community, isang bagong low-cost housing subdivision na mayroon nang bahay at agad na silang makalilipat o ang paglilipat sa kanila sa isang relocation site.

Samantala, isa pa ring problema sa pabahay ang naresolba ni Mayor Ace matapos magkaroon ng pagkakaunawaan ang may kung ilang daang nag-rally ng nakaraang linggo laban sa FAB nang magkaroon ng pagpupulong sa munisipyo ang ilang opisyal ng AFAB at mga pangulo ng asosasyon.

Dito ay malinaw na naipaliwanag ni Mayor Ace na nagkaroon lamang ng miscommunication, kung saan ay inakala ng mga tao, o yong nagbenta ng kanilang housing unit sa FAB na baka hindi na sila babayaran. Sa harap ng magkabilang panig ay ipinangako ng AFAB na kanila nang aayusin ngayong buwan ng Abril ang pagbabayad sa mga tao.

Gayundin sa napabalitang demolisyon ng ilang kabahayan sa isang barangay na nagdulot ng kaguluhan, na agad namang sinawata ni Mayor Concepcion. Ipinaliwanag niya sa mga tao na walang magaganap na demolisyon, mag uusap usap sila at naging maliwanag sa bawat pamilya, ayon pa kay Mayor Ace na walang paaalisin hangga’t walang maayos na paglilipatan.

Facebook Comments