Negosyante at mamimili suportado at protektado ng DTI

Negosyante at mamimili suportado at protektado ng DTI

Negosyante at mamimili suportado at protektado ng DTI

118
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Patuloy pa ring pahahalagahan at palalakasin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang lahat ng gustong magtayo ng kanilang negosyo, ito ang ipinahayag ni DTI Bataan Information Officer Teresita Magtanong sa isinagawang Kapihan sa Crown Royale Hotel sa lungsod na ito.
Ayon kay Magtanong, magbibigay pa ang DTI ng mga karagdagang seminars para sa micro, small and medium enterprises. Sa kasalukuyan nasa 595 na ang bilang ng negosyante sa lalawigan na kanilang naitala sa kanilang tanggapan.
Samantala, umabot sa 143 ang naitalang sumbong at naresolba ng DTI ngayong taon. Ayon kay DTI-Bataan Consumer Protection Division Chief Connie Sanico patuloy pa rin silang nagtutungo sa iba’t ibang pamilihan sa bawa’t bayan para makatanggap ng mga sumbong ng mga mamimili para mabigyan agad ng aksyon.
Sinabi pa ni Ms. Sanico na sunod sunod ang kanilang ginagawang paglilibot sa mga pamilihan upang makasiguro na ang mga timbangan ng mga tindera ay nasa maayos at tamang kondisyon. Mahigpit ding ipinagbabawal ng DTI ang pagsusukli ng candy sa mga mamimili.
Kaugnay nito nanawagan ang DTI sa lahat ng ibig na magtayo ng kanilang negosyo pati na ang mga kostumer na nais na magreklamo na mangyari lamang na magtungo sa kanilang tanggapan na nasa 3rd floor ng Crizelda Marie Building, Capitol Road Balanga City.

Facebook Comments