OHS, idinaos sa Bataan

OHS, idinaos sa Bataan

OHS, idinaos sa Bataan

207
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Sa kauna-unahang pagkakataon sa buong Pilipinas idinaos ang Occupational Safety and Health Summit (OSH) sa Lou-is Restaurant ng Lungsod na ito..
Sa isang presscon na ginanap pagkatapos ng summit, ipinahayag ni Provincial Engr. Ric Yuzon na sa simula pa lamang siyang manilbihan sa gobyerno ay lagi niyang sinasabihan ang kanyang mga kasamahan sa trabaho na ugaliing magsuot ng proteksyon sa ulo para iwas disgrasya.

Sinabi nman ni Vice-Governor Cris Garcia na sinusunod nman ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Bataan Governor Albert Garcia ang nasasaad sa batas sa ilalim ng Republic Act 11058 na naglalayong palakasin ang hanay na mga manggagawa, seguridad, at kalusugan at kung sino man ang susuway sa ipinag-uutos ng batas na ito ay papatawan ng kaparusahan.
Samantala ginawaran ng OSH-DOLE ang Probinsiya ng Bataan ng pagkilala bilang First LGU to implement OSH Management System, first LGU to initiate OSH Summit at 1.4 Million Safety Man Hours for the “Bunker” project.

Facebook Comments