Oplan SumVac kasado na!

Oplan SumVac kasado na!

Oplan SumVac kasado na!

178
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ikinasa na ng buong kapulisan ang paglatag ng Oplan Sumvac o Summer Vacation para mapanatiling payapa, maayos at ligtas ang paglalakbay ng mga turista at mga bakayunista na tutungo sa lalawigan ng Bataan.
Ayon kay Bataan PNP Director Police Superintendent Villamor Tuliao ang Bataan ay nakawilihan nang puntahan ng ating mga bakasyunista at turista kaya naman inatasan na niya ang lahat ng station commander na lumabas at maglagay ng mga check point sa delenterang mga lugar para mapangalagaan at matulungan ang mga maglalakbay.
Sinabi pa ni Col. Tuliao na ang buong pwersa ng kapulisan ay handang handang magbigay ng kanilang tulong sa ating mga kababayan na magtatanong, masisiraan at maigiyang mabuti sa kanilang pupuntahan.
Mahigit sa 398 mga tauhan ng kapulisan ang ilalabas sa kani-kanilang tanggapan para lamang matiyak na walang mga kaguluhan sa buong lalawigan.

Facebook Comments