Ordinansa para sa maayos na daloy ng trapiko sa Mariveles, ipinasa

Ordinansa para sa maayos na daloy ng trapiko sa Mariveles, ipinasa

Ordinansa para sa maayos na daloy ng trapiko sa Mariveles, ipinasa

259
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Upang mapabilis at mapaayos ang daloy ng trapiko lalo na sa oras ng pangangailangan o emergency lalo na sa pagresponde sa mga sakuna o aksidente, nagpasa ang Sangguniang Bayan ng Mariveles ng Kautusang Pambayan Blg. 2018-142 na may pamagat na, “Ordinansa sa Pagbabawal sa mga balakid/hadlang sa daloy ng trapiko at maging sa mga taong naglalakad sa mga lansangan at pagbabawal sa mga di kaaya-ayang gawain sa mga pampublikong lugar”
Ayon kay Vice Mayor Angelito Rubia ng Mariveles at kay Konsehal Tito
Catipon na siyang may akda ng nasabing Ordinansa, isinagawa nila ito upang maging maayos ang pagkakakitaan o negosyong legal ng mga tao, upang madaling makaresponde sa oras ng sakuna o aksidente, upang makaiwas
sa gulo at upang maging maayos ang daloy ng trapiko sa gayon ay maging maganda ang bayan ng Mariveles sa paningin ng mga taong bumibisita dito.
Maliwanag ding nakasaad sa Ordinansa na ipinagbabawal na ang pag iinuman sa mga pampublikong lugar, pagdura, pagsinga, pag ihi o pagdumi sa mga pampublikong lugar gayundin ang mga nakahambalang na mga
istraktura na lagpas sa itinakdang daanan, mga nagtitinda at mga sasakyan na nakaparada sa “no parking area”.
Ang mga kaukulang parusa sa mga lalabag sa ipinasang Ordinansa ay magbabayad ng P500.00 sa unang paglabag; kukumpiskahin ang mga
paninda o ano pa mang bagay sasakyan o nakahadlang na istraktura at magmumulta ng halagang P1,000.00 at sa ikatlong paglabag, bukod sa kukumpiskahin ang mga bagay na kasama sa paglabag ay pagmumultahin din
sila ng halagang P2,500.00 at community service.

Facebook Comments