P4 M farm to market road, tapos na

P4 M farm to market road, tapos na

P4 M farm to market road, tapos na

253
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Napapakinabangan na ang farm to market road na ginastusan ng Pamahalaang Panlungsod ng P4 milyon. Ang nasabing daan ay nasa may bahagi ng Sitio Maluang Barangay Cupang Proper ng lungsod na ito.
Ipinagawa ni City Mayor Francis Garcia ang nasabing daan na may habang 328 metro dahil sa hinaing ng mga residente ng Brgy. Dangcol at Tanato, lalo na ng mga magsasaka na nakararanas ng hirap sa pagdadala ng kanilang produktong gulay at palay sa pamilihan.

Facebook Comments