P5M pondo para sa Malasakit Center

P5M pondo para sa Malasakit Center

P5M pondo para sa Malasakit Center

221
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Personal na iniabot ni Secretary Michael
Dino, Presidential Assistant for the Visayas ang P5 Milyong pisong pondo kay Dr. Glory Baltazar, Chief of Bataan General Hospital and Medical Center para sa opisyal na pagsisimula ng Malasakit Center sa lalawigan.
Ang Malasakit Center, ayon kay Sec. Dino ay isang One-Stop-Shop na nasa loob mismo ng compound ng ospital kung saan ay naroon ang mga ahensya ng pamahalaan na tutulong sa mga medikal at pinansyal na pangangailangan ng mga pasyente tulad ng DSWD, Philhealth, PCSO, PAGCOR na layuning maging Zero Balance Billing o walang babayaran ang mga pasyente.
Samantala sinabi ni Congressman Joet Garcia na malaking tulong ang pagkakaroon ng Malasakit Center sa lalawigan.
Si Cong. Joet Garcia ang may-akda ng House Bill na nagtaas sa antas ng BGH sa tertiary level at tawagin itong Bataan General Hospital and Medical Center.

Facebook Comments