Pag-unlad ng Hermosa, tuloy

Pag-unlad ng Hermosa, tuloy

Pag-unlad ng Hermosa, tuloy

175
0

HERMOSA, Bataan – Lalo pang pagbubutihin ni Mayor Jopet Inton ang paglilingkod sa kanyang bayan at pagpapagawa ng mga kalsada at iba pang imprastrakturang pangkaunlaran.
Ayon kay Atty. Joseph Mark Sabado, kalihim ng Sangguniang Bayan, dahil sa fresh mandate kay Mayor Inton lalo pang dadami ang proyekto sa bayan ng Hermosa.
Kabilang umano dito ang pagpapagawa ng kalsada mula Barangay Cataning patungong Roman Highway at iba pang mahalagang proyekto.
Sinisikap din umano ni Mayor Inton ang paghanap at pag-imbita ng mga investor para sa Hermosa Special Economic Zone na nagbibigay ng libu-libong trabaho hindi lamang sa mga taga-Hermosa kundi sa iba’t-ibang lalawigan sa Gitnang Luzon.

Facebook Comments