Pagbaba ng bilang ng mga gumagamit ng droga, malaking tulong sa pag-unlad

Pagbaba ng bilang ng mga gumagamit ng droga, malaking tulong sa pag-unlad

Pagbaba ng bilang ng mga gumagamit ng droga, malaking tulong sa pag-unlad

270
0

ORANI, Bataan – Isang malaking dahilan sa pag-unlad ng ating lalawigan ay ang mababang bilang ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa Bataan.
Dahil ito sa mahigpit na kampanya laban sa droga ni Gob. Abet Garcia sa buong lalawigan na naisulong sa malaking tulong ng kapulisan sa pamumuno ni Bataan PNP Director P/Sr. Supt. Marcelo Dayag.
Ito rin ang paniniwala ni Punong Barangay Marvin dela Cruz ng Barangay Mulawin ng bayang ito, na nagsisimula ang laban ng tagumpay sa mga barangay hanggang sa umabot sa Munisipyo at sa Pamahalaang Panlalawigan.
Ayon kay Punong Barangay dela Cruz kumpara sa ibang barangay sa Orani ang barangay Mulawin ang may pinakamalaking bilang na sumurender at nagbalik loob sa pamahalaan.
“Isa rin sa pangunahin kong ginagawa sa aking Barangay ay linisin ang kalat para naman sa hangarin naming umunlad din ang aming barangay una kinausap sila, kinalinga ko ang kanilang suliranin hanggang sa magkaisa kami na tutulong sila sa aming magagandang adhikain” dagdag pa ni Dela Cruz.
Hangad din niya umano na maging drug free ang kanilang barangay sa susunod na mga taon para lahat ng kanilang magagandang programang nasimulan ay maisakatuparan.

Facebook Comments