Pagbabago, legasiya ni Mayor Gene

Pagbabago, legasiya ni Mayor Gene

Pagbabago, legasiya ni Mayor Gene

73
0

SAMAL, Bataan – Sa kanyang talumpati sa Araw ng Kalayaan ay masayang-malungkot na sinabi ni Mayor Gene dela Fuente na may kurot sa kanyang puso ang okasyon sa dahilang ito na ang kanyang huling pagtatalumpati bilang Punongbayan ng Samal.
Masayang sinabi ni Mayor dela Fuente na, iiwan niya ang legasiya ng pagbabago sa bayan ng Samal, na maipagmamalaki niya ang sinasabi ng marami na, malaki ang naging pagbabago ng bayan ng Samal sa kanyang termino, “isang maliit at mahirap na bayan na kaya palang umunlad”.
Samantala, nang araw ding iyon ay nanumpa sa tungkulin ang bagong halal na punong bayan ng Samal na si Mayor-elect Aida Macalinao kasama ang ilan sa mga nanalong konsehal na sina, Kon. Ronnie Ortiguerra, Kon. Amy dela Rosa, Kon. Emelito Villanueva at Kon. Erval Flores.
Sa mensahe ni Mayor -elect Aida Macalinao, sinabi nitong hindi umano imposible na sa pag usad ng panahon ang lahat ay uuwi pa rin sa bisig ng bawat isa.

Facebook Comments