Pagbabakuna sa mga aso, lalo pang pinaigting

Pagbabakuna sa mga aso, lalo pang pinaigting

Pagbabakuna sa mga aso, lalo pang pinaigting

153
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Mas pinaigting pa ng Provincial Veterinary Office ang pagbabakuna sa mga aso sa isang lungsod at labing-isang bayan sa lalawigan ng Bataan.
Ayon kay Dra. Agata Cleto Provincial Veterinary Coordinator na matatapos na nilang mabakunahan ang mga alagang aso sa bayan ng Orani at Pilar at kasunid nito ang Morong.
Ang pagbabakuna sa mga aso ay taunang ginagawa para mapangalagaan ang mamamayan na makagat ng asong may taglay na rabies.
Sa kasalukuyan ang tanggapan ng Provincial Veterinary ay nakapag tala ng kabuuang bilang na 1,054 na asong nabakunahan sa mga bayan ng Orani, Pilar, at Morong mula buwan ng Disyembre hanggang January 20, 2019.

Facebook Comments