Paggamit ng organic fertilizer, inilunsad

Paggamit ng organic fertilizer, inilunsad

Paggamit ng organic fertilizer, inilunsad

187
0

LUNGSOD ng BALANGA Bataan – Sabay na inilunsad ng Department of Agriculture DA (Rural Field Office 3), Office of the Provincial Agriculture, at City Agriculture Office ang Organic Rice Community Development Research Project sa mga magsasaka ng Lungsod kahapon, ika-16 ng Abril sa Balboa’s Farm Sitio Maluang Cupang Proper.
Ayon kay Bb. Rosemarie Q. Joson, DA RFO 3 Science Research Specialist ll, ang mga tanggapan nina Governor Albert Garcia at City Mayor Francis ay may kanya kanyang organic program, hindi lang seminar, pagbibigay ng libreng binhi at mga gamit pangbukid, mga inputs ay naka plano din.
Ipinahayag naman ni Bb. Louie Rodis, Agriculturist ll, Focal Person ang Organic Agriculture ay may apat na prinsipyo na dapat subaybayan; 1. Principle of Health, 2. Principle of Care, 3. Principle of Ecology, at 4. Principle of fairness.
Samantala pinasalamatan naman ni G. Jimmy Suntilla ng City Agriculture Office ang lahat ng magsasaka na dumalo sa naturang programa.

Facebook Comments