Pagpapalapad sa Subic Freeport Expressway, sisimulan sa Hulyo

Pagpapalapad sa Subic Freeport Expressway, sisimulan sa Hulyo

Pagpapalapad sa Subic Freeport Expressway, sisimulan sa Hulyo

136
0

Ibinahagi ni Shane F. Velasco, PIA

LUNGSOD ng Malolos – Tuloy na ang gagawing pagpapalapad sa ngayo’y salubungang Subic Freeport Expressway o SFEX.
Ayon kay NLEX Corporation Corporate Communications Head Kit Ventura, nakatakdang simulan ang proyekto ngayong Hulyo matapos lumagda sa kontrata ang NLEX Corporation at Sta. Clara International Corporation para sa 1.6 bilyong pisong SFEX Capacity Expansion Project.
Sa kasalukuyan, salubungan ang SFEX at nagiging tatlong linya lamang kapag pababa o paakyat ang kalsada.
Dahil dito, kapag ang isang maliit na sasakyan ay may kasunod na malaki at mahahabang trak na mabagal sa pag-akyat, hindi na makalagpas ang mga sasakyan na nagdudulot ng pagkakaroon ng mahabang pila dahil mababagal na takbo.
Kaya’t gagawa ng panibagong dalawang linyang daan upang ang kasalukuyang salubungan ay maging tig-dalawang linya sa magkabilang panig. Ang nag-iisang tunnel at tulay sa kahabaan ng SFEX ay gagawing dalawa, na ipapantay sa magiging lapad ng nasabing expressway.
Lalagyan din ito ng expressway-standard LED lights upang matiyak na ligtas bumiyahe sa bulubunduking SFEX.
Taong 1995 nang unang ipinagawa ni noo’y Pangulong Fidel V. Ramos ang SFEX bilang gateway sa Subic Bay Freeport Zone para sa 1996 Asia Pacific Economic Cooperation Leaders’ Summit. Nang magawa ang Subic-Clark-Tarlac Expressway, ikinabit ito sa SFEX sa bahagi ng Tipo.
Aprubado na rin ng Toll Regulatory Board ang proyekto. Ang NLEX Corporation ay binigyang ng konsesyon ng pamahalaan upang pangasiwaan ang operasyon at modernisasyon ng SFEX.

Facebook Comments