Pagsasanay ng mga magsasaka, sisimulan na

Pagsasanay ng mga magsasaka, sisimulan na

Pagsasanay ng mga magsasaka, sisimulan na

62
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Mahigit sa 300 katao na karamihan ay magsasaka mula iba’t ibang bayan at kasapi sa 4Ps ang dumalo sa pormal na pagsisimula ng SM Foundation ang ”Kabalikat sa Kabuhayan” Rural and Urban Farmers Training Program sa Sitio Rafael, Tuyo ng lungsod na ito noong Biyernes ng umaga.
Ayon kay Ms. Gemma B. Gabuya, DSWD FO lll, Regional Director na hindi habang panahon ay mahirap ang isang mamamayan kailangan lang tumaya ang bawa’t isa at magsakripisyo para mabigyan ng oras na matuto upang makamtan ang hinahangad sa pag-angat ng kabuhayan.
“Mayroon tayong kakayanan, kahit wala o ano man ang ating pinag-aralan mayroon tayong kanya-kanyang kakayanan, kailangan lang sinupin at magsakripisyo para magtagumpay” ani pa ni Ms. Gabuya.
Inihalimbawa naman ni Konsehal Anselmo Sanchez, ng Committee on Agriculture ang buhay ni Mang Toto, isang magsasaka na walang pinag-aralan at mayroong siyam na anak, nang umani siya ng kanyang palay ay dayami na lang ang naiwan sa kanya tapos hindi pa niya nabayaran ang lahat ng kanyang utang.
Idinadadag pa ni Konsehal Sanchez na sinubukan daw ni Mang Toto na magtanim na lang ng gulay at nabigla sa dami ng kanyang ani kaya napag-aral at napagtapos pa niya sa pag-aaral ang kanyang siyam na anak.
“Mapalad ngayon ang magsasaka dahil lahat ng kanilang aannihin ay kukunin ng SM, hindi lang iyun hangad din ng SM Foundation na matutunan lahat ng ituturo ng kanilang field instructor, kasama na rito ng kanilang pagtaya at paglalaan ng pera para lamang iyangat unti unti ang kabuhayan ng mga maliliit na magsasaka at mga kasapi ng 4Ps” pahayag pa ng Chairman ng Komite sa Agrikultura.
Samantala ipinahayag naman ni Ms. Cristie S. Angeles, AVP-Outreach, SM Foundation Inc., maganda ngayon at maraming oportunidad ang ibinibigay ng gobyerno, sa mga magsasaka na tulungan sila sa kanilang magandang pangarap na sa pagdating ng panahon wala nang mahirap na mamamayan sa bansa.
Kaugnay nito babalik ang mga magsasaka sa ika-7 ng Marso7, para masimulan ang kanilang pagsasanay sa mga makabagong teknolohiya hinggil sa pagtatanim ng gulay.

Facebook Comments