Pagsasanay sa paggawa ng mga produkto mula sa kabute, idinaos

Pagsasanay sa paggawa ng mga produkto mula sa kabute, idinaos

Pagsasanay sa paggawa ng mga produkto mula sa kabute, idinaos

127
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Isang libreng training sa Mushroom Processing ang isinasagawa sa Bataan Peninsula State University (BPSU) Compound noong Biyernes, ika-26 ng Abril.
Ayon kay Dr. Rina Q. Paguia, Project Leader ang binigyan ng libreng pag-aaral ay ilang piling magsasaka mula sa mga bayan ng Orani, Pilar at Lungsod ng Balanga.
Sinabi naman ni Dr. Rowena B. Valerio, Trainer mula sa BPSU na ang kanyang mga menu na itinuro ay ang pagluluto na Puto Pao na pinalamanan ng oyster mushroom, paggawa ng atshara gamit din ang kabute, sauteed mushroom paste, syrup, mushroom tocino at mushroom cracker.
Samantala, ipinahayag naman ni Mr. Julian Gigante Jr. Presidente ng Farmers Innovator in Bataan na mas lalo pa nilang paiigtingin ang pagtatanim ng volva at osyter mushroom para mas lalo pang dumami ang produksyon na isusuplay sa mga pamilihan sa Bataan.

Facebook Comments