Home News Business Pasalubong center at food park, ilalagay sa Abucay
Pasalubong center at food park, ilalagay sa Abucay

Pasalubong center at food park, ilalagay sa Abucay

304
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Tiniyak ni Gobernor Albert Garcia na uunlad ang kabuhayan hindi lamang ang mga Small and Medium Enterprise (SMEs), kundi maging ang lahat ng negosyante at dadagsain ng mga turistang bibisita sa lalawigan, sakaling matuloy ang pagtatayo ng “Pasalubong Center” at “Food Park” sa bayan ng Abucay, sa susunod na taon.

Ito ang pahayag ni Gob. Abet nang siya makapanayam ng mga media kamakailan.

Ayon sa Ama ng Lalawigan, ilalagay ang Pasalubong Center at Food Park sa halos 10 ektaryang lupain, hindi kalayuan sa Petron gasoline station sa kahabaan ng Roman Highway.

Ang pagtatayo ng dalawang malaking establisimiento ay makatutulong umano sa mga maliliit at malalaking  negosyante sa Bataan dahil lahat ng kanilang produkto ang siyang ilalagay dito para ibenta sa mga turistang tutungo sa lalawigan.

Nais ng Gobernador na ngayon pa lang ay paghandaan ng mga negosyante ang kani-kanilang produkto na siyang ilalagay sa naturang center.

Lolobo na parang kabute ang negosyo, madadagdagan ang trabaho, darami at aangat ang  kabuhayan kapag nailagay ang Pasalubong Center at Food Park sa susunod na taon hindi lamang sa bayan ng Abucay kundi maging sa mga karatig na lugar.

Facebook Comments