PHMI Balanga Chapter, nagdaos ng unang anibersaryo

PHMI Balanga Chapter, nagdaos ng unang anibersaryo

PHMI Balanga Chapter, nagdaos ng unang anibersaryo

422
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Nagdiwang ng unang anibersaryo ang Police Hotline Movement Incorporated (PHMI) Balanga Chapter na ginanap sa plasa ng Barangay Central ng lungsod na ito, noong ika-3 ng Setyembre.

Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang motorcade sa Plaza Mayor de Balanga na nilahukan ng mga PHMI chapters mula sa Lalawigan ng Zambales, Lungsod ng Olongapo, Metro Manila, Morong, Limay, Samal, Abucay, at Region lV.

Ayon kay G. Elly Quinola, founder ng PHMI, itinatag ang samahan hindi para pagkakitaan kundi upang makapagbigay ng libreng serbisyo at pangangalaga sa ating mga kababayan.

Sinabi pa ni Quinola na dahil ang mga kasapi ng PHMI ay mga boluntaryo kung kayat sila ay makakaasang tutulungan at susuportahan sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin. Binalaan din nya na wag lang silang masasangkot sa mga krimen lalo na sa droga at panggagahasa.

Ipinahayag naman ni Bb. Yolly Aguilar, directress ng PHMI Bataan na ang grupo ay nonstock nonprofit kung kaya’t lahat ng mga miyembro nito ay walang kinikita at puros paluwal pa sa mga gastusin .

Idinagdag pa ni Aguilar na ang kanilang grupo ay hindi nakikialam sa halalan, at wala sino mang kandidato na sinusuportahan at may karapatan na iboto kung sino sa akala nila ang makatutulong sa pagsulong ng kinabukasan ng mamamayan .

Samantala pinasalamatan ni Noel Ramos, Chairman ng PHMI Balanga Chapter ang lahat chapters na dumalo at sumuporta sa matagumpay na unang anibersaryo ng kanilang samahan.

Ayon pa rin kay Ramos sumusuporta ang grupo sa lahat ng programa ng Pamahalaang Panlalawigan, at tutulong din sa pagpapanatili ng katamihimakan na pinalalaganap ng PNP.

Facebook Comments