Prayer rally idinaos sa Hermosa

Prayer rally idinaos sa Hermosa

Prayer rally idinaos sa Hermosa

1.98K
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Isang malawakan subali’t matahimik na prayer rally ang idinaos sa bayan ng Hermosa sa pangunguna ng mga mamamayan ng Brgy. Sumalo kasama sina Mayor Jopet Inton ng nasabing bayan, 1st District Congresswoman Geraldine Roman, Monsignor Tony  Dumawal, Rev. Fr. Quintos, Konsehala Luz Samaniego at Punong Barangay Martinez dahil sa naganap na gulo sa pinag aawayang lupa  sa nasabing barangay na nagresulta sa pagkakapatay sa isang mamamayan ng Brgy Sumalo.
Sa kanyang mensahe sinabi ni Mayor Jopet Inton na noong una, ang pinag-uusapan lamang dito ay ang karapatan ng mga magsasaka na mapasakanila ang lupang kanilang tinitirhan at sinasaka, at hindi inaasahan na humantong sa pangyayari na may buhay na mawala.

Dagdag pa ni Mayor Inton na mariin nilang kinokondena ang pangyayaring ito at hindi sila papayag na hindi magkaroon ng katarungan at hustisya ang pangyayaring ito.
Mariin pa niyang sinabi na kapayapaan at karapatan ng mga mamamayan ang prayoridad niya. Nagpasalamat din siya sa mga kinatawan ng simbahan sa pagbabantay at pagsuporta sa kanila mula noon hanggang ngayon.

Samantala, sa kanyang mensahe sinabi naman ni Cong. Geraldine Roman na hindi maikakaila na napakatagal na ng sigalot sa nasabing lupa kung kaya’t nanawagan umano siya sa mga concerned na ahensya ng pamahalaan na pinal nang desisyunan ang nasabing problema gayundin magkaroon ng katarungan para sa mga magsasaka.
Tulad ni Mayor Jopet Inton mariin ding kinondena ni Cong. Roman ang pangyayari subalit hiniling niya sa mga mamamayan na huwag magpadala sa  kanilang emosyon at huwag gumawa ng anumang karahasan kundi sumunod pa rin sa batas.

Facebook Comments