Random drug testing, isasagawa sa mga mag-aaral

Random drug testing, isasagawa sa mga mag-aaral

Random drug testing, isasagawa sa mga mag-aaral

434
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay nagpalabas ng panuntunan (guidelines) sa pagsasagawa ng Random Drug Testing sa mga mag-aaral sa lahat ng mga pribado at pampublikong paaralan sa taong 2017-2018 (DepEd Order No. 40, series of 2017).

Batay pa rin sa panuntunan ng DepEd, sumusunod sila sa mga itinakda ng Republic Act No. 9165 na kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Act of 2002, kung saan ang nasabing random drug testing sa mga mag-aaral ay itinuturing ng pamahalaan na isyung pang kalusugan at naglalayong mabigyang lunas ang sinumang mag-aaral na masusuring positibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot at tutulungan silang maiwaksi ang nasabing bisyo.

Ayon kay Gng. Merlinda C. Dominguez, EPS I/OIC Punong-guro ng Bataan National High School, nagpadala sila ng liham sa mga magulang para makipagtulungan sa gagawing pagsusuri at ito ay gagawing confidential para umano siguruhin ng paaralan na hindi malalagay sa kahihiyan ang batang sasailalim sa drug test at titiyaking hindi maisasapubliko ang naging resulta ng pagsusuri, ayon pa sa punong-guro

Binigyang diin din ni Gng. Dominguez, na hindi nila itong gagamiting ground o basehan para sa expulsion o disciplinary action laban sa mag-aaral, sakaling mapatunayang positibo ito sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Lalo umanong hindi ito makakaapekto sa kanilang academic records o masampahan ng anumang legal actions.

Umapela si Gng. Dominguez sa mga magulang at humiling ng pang-unawa sa pakikilahok sa nasabing programa. Hangad umano ng paaralan na matulungan ang lahat ng mga mag-aaral lalo pa’t sila ay naliligaw ng landas, dagdag pa ni Dominguez.

Facebook Comments