Risers dinomena ang Voyagers!

Risers dinomena ang Voyagers!

Risers dinomena ang Voyagers!

272
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Muli na namang nanaig ang teamwork at dedikasyon ng mga manlalaro ng ating pinakamamahal na Bataan Risers nang talunin nila ang koponan ng Pasay City Voyagers sa laban nila nung Sabado, Nobyembre 3 sa Bataan Peoples Center sa nasabing lungsod.
Ngunit hindi naging madali para sa Risers na talunin ang Voyagers dahil sa matindi nitong depensa at matinding shooting sa 3-point line na nag resulta sa dikit na laban nung first at second quarters. Ngunit nagising ang Risers pagdating ng 2nd half dahil sa pumasok na ang mga tira nila sa tulong ng ating ibang players sa pangunguna ni Al Carlos na nakapagtala ng 10 puntos at 3 rebounds.
Dinomena rin ng Risers ang rebounding department dahil nakapagtala sila ng 59 rebounds kontra sa 25 rebounds lamang ng Voyagers, gayundin ang Second Chance Points 20 – 2.
Dahil dito, ito na ang pang labing-isa (11) nilang sunod na pagkapanalo.
Best Player of the Game ay si Roby Celiz na may 16 puntos, 8 rebounds, at 5 assists.
Ang susunod na laban ng ating Bataan Risers ay sa Nobyembre 12, 7:00 pm laban sa Basilan Steel na gaganapin sa Angeles University Foundation (AUF) Gym sa Angeles City, Pampanga.

Facebook Comments