Risers, nakamit na ang pitong sunud-sunod na panalo!

Risers, nakamit na ang pitong sunud-sunod na panalo!

Risers, nakamit na ang pitong sunud-sunod na panalo!

30
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Muli na namang nanaig ang pagiging palaban ng ating Bataan Risers nang nakamit na nila ang pang pitong sunod na panalo nila sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup kontra sa Valenzuela Idol Cheesedogs sa iskor na 59 – 55.
Naging dikitan ang laban noong 1st at 2nd quarters dahil sa matinding depensa ng magkabilang team. Ngunit noong pumasok ang 2nd half, umalagwa na ang Risers dahil sa mas pinahigpit na depensa sa Valenzuela at sa matindi nitong opensa. Best Player ng naturang laro ay si Pamboy Raymundo na may 13 points, 7 rebounds, at 3 assists. Umiskor din ng double digits sina Byron Villarias na may 16 points, 9 rebounds, at 2 assists at si Gary David na may 16 points, 5 rebounds, at 2 assists.
Ilan sa mga nanood na mga opisyales ng Lalawigan ng Bataan, ay sina Governor Abet Garcia, Vice Governor Chris Garcia, 1st District Congresswoman Geraldine Roman, 1st District Board Member Rey Ibe, at mga former 1st District of Bataan Representative na sina Herminia Roman at Felicito “Tong’ Payumo.
Sa ngayon, and record ng Bataan Risers sa Northern Division ng MPBL Datu Cup ay 7-1 kapantay ang team na Manila Stars.
Bataan Risers, AANGAT KA!

Facebook Comments