Risers nanaig kontra Strikers!

Risers nanaig kontra Strikers!

Risers nanaig kontra Strikers!

186
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – “It’s not about how you start the game, it’s about how you finish it”. Iyan ang kasabihang namayagpag sa puso’t-isipan ng ating Bataan Risers nang burahin nila ang 20-puntos na kalamangan ng Bacoor City Strikers at nanalo sa iskor na 84 – 75 sa laban na ginanap sa Bacoor Strike Gym sa Bacoor City, Cavite nitong araw ng Martes, ika-4 ng Disyembre.
Sa una at ikalawang kwarter ng nasabing laro, gumana ang opensiba ng Strikers laban sa Risers sa tulong ng kanilang star player na si Gab Banal. Ngunit nang magsimula na ang 3rd quarter, dito na nag step-up sina Alfred Batino na nakagawa ng 14 na puntos at si Gary David na itinanghal na Best Player of the Game na may 20 puntos, 3/5 3-pt. field goal at 4 rebounds.
Ang susunod na laro ng ating Bataan Risers ay gaganapin sa ika-10 ng Disyembre, Lunes sa ating home court sa Bataan People’s Center laban sa San Juan Knights. Sisimulan ang pagbebenta ng tikets para sa nasabing laro sa ika-7 ng Disyembre, Biyernes.

Facebook Comments