Sama-samang balikatin, pagtataguyod at pag-asenso ng Mariveles

Sama-samang balikatin, pagtataguyod at pag-asenso ng Mariveles

Sama-samang balikatin, pagtataguyod at pag-asenso ng Mariveles

162
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Naging malumanay subali’t may diin ang naging mensahe ni Mayor ace Jello Concepcion sa kanyang State of the Municipality’s Address (SOMA) nang nakaraang lunes.
Ipinaliwanag ni Mayor Concepcion na ang pagseserbisyo sa bayan ay may kaakibat na pananagutan hindi lamang ng namumuno kundi ng lahat ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Lokal kung kaya’t mahalaga ang mailahad nila sa mamamayan ang kanilang mga naisakatuparan, naisagawa at tatahakin pang mga proyekto, programa at serbisyo na ibibigay pa sa mga mamamayan.
Malinaw na iniulat ni Mayor Concepcion ang mahahalagang pagawain sa kanilang bayan katulad ng mga kalsada, multipurpose halls, pailaw sa mga barangay, barangay health centers at iba pa gayundin ang kanilang one- stop- shop na malapit na ring matapos para sa mabilis na transaksyon sa Pamahalaang lokal.

Sa kalusugan, sila ay naging Red Orchid Awardee sa pagnanais nila na maisakatuparan ang Tobacco Control, napabilang sila sa programa ng DOH sa Municipal leadership and Government Program ng Development Academy of the Philippines (DAP), nagkaroon ng zero maternal deaths, bumaba ang bilang ng teenage pregnancies, nagkaroon ng animal bite clinic ng sa ganoon ay hindi na magbibiyahe pa ng malayo para magpagamot sa kagat ng aso, pusa at iba pang mga programa at serbisyong pangkalusugan.
Sa ngayon ay pinagtutuunan nila ng pansin ang kanilang pagresponde sa iba’t ibang sakuna, nagkaroon na sila ng MDRRMO rescue vehicle, fire truck, generator kung magkakaroon ng malawakang brownout at iba’t iba pang  kagamitan.

Sa Edukasyon, nadagdagan na ang kanilang mga classrooms, school buildings, gayundin mga neneficiaries ng Iskolar ng Bataan na umaabot na sa 1,700 at sa nakaraang CLARAA marami sa kanilang student-athletes ang nagdala ng karangalan sa bayan ng Mariveles. Anupa;t napakarami pang mga serbisyo, mga proyekto ang kanilang mga nagawa na katunayan sila ay maraming awards mula sa Council for the Protection of Children, taun taon ay awardee sila ng Seal of Good Local Governance ng DILG patunay sa maayos at masinop na pamamahala sa kaban ng bayan.
Nagpasalamat siya Kay Cong. Joet Garcia sa lahat ng suporta, kay Vice Mayor Lito Rubia at at miembro ng Sangguniang bayan, mga department heads at iba pang mga tumulong para makamit nila ang kanilang pangarap, subali’t marami pa umano ang dapat gawin kung kaya’t hiniling niya sa kanyang mga kababayan na magkaisa at sama samang balikatin ang pagtataguyod at pag asenso pa ng bayan ng Mariveles.

Facebook Comments