Sectoral Assembly, sinimulan na

Sectoral Assembly, sinimulan na

Sectoral Assembly, sinimulan na

76
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Nasa ikalawang araw na ang weeklong Sectoral Assembly sa bayan ng Dinalupihan sa pamumuno ni Mayor Gila Garcia, Vice Mayor Renato Matawaran at Sangguniang Bayan members na kanilang ginaganap taun taon tuwing panahon ng Kapaskuhan para makapag ulat sa ibat ibang sektor sa kanilang bayan.
Ayon kay Vice Mayor Renato Matawaran, na siyang tumayo on behalf of Mayor Gila Garcia na noo’y nasa isang pulong sa Maynila, ang Sectoral Assembly ang pinakamahalagang accomplishment ng punong bayan dahil nagkaroon ng empowerment ang ibat ibang sektor tulad ng senior citizens, persons with disabilities, KALIPI, Indigenous people, Veterans, barangay officials, kabataan, mga guro,at iba pa.
Sa nasabing assembly iniulat ni Vice Mayor Matawaran, na naipasa sa Sangguniang Bayan ang resolusyon na nagtatakda sa mga matatanda na umabot sa 90 taong gulang na mabigyan ng tinatawag nilang one-time cash gift na P20,000, dahil ayon pa sa kanya, bihira na sa ngayon ang umaabot sa ganoong edad bagama’t ang pamahalaang nasyonal sa pamamagitan ng DSWD ay nagbibigay ng 100, 000 sa mga matatandang umaabot naman sa 100 taong gulang.
Dagdag pa ni Matawaran, nagbibigay din ang pamahalaang lokal ng Dinalupihan sa mga senior citizens na may edad na 75 ng tinatawag nilang social pension na galing din sa DSWD, sa halagang 3,000 na ibinibigay quarterly. na kung saan ay 763 na matatanda ang kanilang nabigyan kamakailan lang pwera pa ang ibang benepisyo tulad ng AICS sa kanilang pagkakasakit at ang bagong batas na Universal Health Care.
Samantala sinabi ni Ofelia Mendoza, MSWD head ng Dinalupihan na maaring umabot sa kabuuang bilang na 25 libong katao ang lahat ng miembro ng ibat ibang sektor, kung saan sa disadvantaged group sa kanilang pamamahala tulad ng senior citizens, PWD’s, Kalipi, IP’s, at veterans ay aabot na sa 16 thousand, hindi pa dito kasali ang mga Kabalikat, bgy officials, bgy tanod, mga guro, at SK na nasa ilalim ng mayor’s office na aabot naman sa bilang na 9 thousand.
Limang araw pa ang itatagal ng nasabing assembly kung saan may mga pa kontest pa sila ng sayaw, may kainan at bigayan ng regalo na animo ay Christmas party.

Facebook Comments