Sentenaryo, ginawaran ng pagkilala sa Araw ng Kalayaan

Sentenaryo, ginawaran ng pagkilala sa Araw ng Kalayaan

Sentenaryo, ginawaran ng pagkilala sa Araw ng Kalayaan

1.11K
0

SAMAL, Bataan – Itinaon sa Araw ng Kalayaan ang pagbibigay ng pagkilala at grant na P50K kay G. Paulino Dominguez, isang sentenaryo ng bayan ng Samal na iniabot ni Mayor Gene dela Fuente kasama sina Mayor-elect Aida Macalinao at Congresswoman Geraldine Roman.
Ipinaliwanag ni Mayor Gene Dela Fuente na, ang P50K ay insentibo ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Samal base sa ipinasang ordinansa ng Sangguniang Bayan.
Bukod sa P50K, dagdag pa ni Mayor Gene ay may makatatanggap pa ng P100K si G. Dominguez mula sa national government sa pamamagitan ng DSWD, kung kaya’t sa kabuuan ay makatatanggap si G. Dominguez ng P150K pesos.
Ang DSWD ay ang ahensya ng pamahalaan na nagpapatupad ng pagbibigay sa mga nakatatanda ng P100K sa ilalim ng “Centenarians Act of 2016”.
Ayon pa sa nasabing batas, bukod sa cash grant ay makatatanggap din ang mga centenarians ng Plaque of Recognition at sulat mula sa Pangulo ng Pilipinas.
Nang tanungin si G. Dominguez kung ano gagawin niya sa kanyang pera, sinabi nitong, ibibili daw niya ng gamot at iba pang pangangailangan gayundin bibigyan niya ng pera ang kanyang mga anak at apo.

Facebook Comments