“Sige magtapon ka, nang magmulta ka!”.

“Sige magtapon ka, nang magmulta ka!”.

“Sige magtapon ka, nang magmulta ka!”.

586
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Matapos ang mahigit walong taon, mahigpit na ngayong ipatutupad sa 25 barangay ng lungsod na ito ang ordenansa tungkol sa anti-littering na noon pang taong 2010 naisabatas. Ito ang ipinahayag ni Bb. Nerissa Mateo, City Agriculturist at City Environment and Natural Resources Officer kahapon. Ang naturang ordenansa ay may temang, “Sige magtapon ka, nang magmulta ka!”.
Sinabi pa ni Mateo na ang sinomang mahuhuling lalabag sa ordenansang ito ay pagmumultahin sa unang pagkakataon ng P300, P500 sa pangalawa at sa pangatlo ay P1,000 at maari pa umano itong itaas.
“Ang pinakaimportante talaga sa atin at sa ating mga kababayan ay ang pagdisiplina sa sarili, iyung iba nga kakain sa loob ng sasakyan, pagkayaring kumain iyung pinagbalatan ng kinain itatapon pa sa kalsada, kaya ngayon nag pa print ako ng maraming karatola para ipaskel sa mga passenger jeepneys, mini-bus, bus at tricycle para malaman nang lahat na seryoso ang ating pamahalaan sa ating kampanya” dagdag pa Mateo.

Facebook Comments