Suliranin ng mga mangingisda, inaksyonan!

Suliranin ng mga mangingisda, inaksyonan!

Suliranin ng mga mangingisda, inaksyonan!

990
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Isa sa mga binigyan ng agarang pansin ni Gob. Abet Garcia kahapon, Lunes, ika-8 ng Agosto ay ang suliranin ng mga mangingisda sa Brgy. Capunitan, Orion.

Ayon sa samahan ng mga mangingisda, ninanakaw ang kanilang mga bangka kung kaya’t napagpasyahan nilang magtayo ng kubo sa may dagat sa lugar kung saan nakapondo ang kanilang mga bangkang pangisda upang kanilang mabantayan.

Bilang suporta sa mga mangingisda, nagbigay si Gob. Abet ng halagang P 55,000.00 para sa pagtatayo ng nasabing kubo.

Kasama ng mga mangingisda sa paglapit kay Gob. Abet si Gng. Mercy Cruz, ina ng kasalukuyang kapitan ng Brgy. Sn Vicente na si G. Frederick Cruz. Si Gng. Cruz ay dating kapitana ng nasabing barangay.

Kaugnay ng kaganapang ito, malaki ang pagpapasalamat ng mga residente sa pagkakaroon ng water system sa Sitio Araro ng nasabing barangay kung saan nanggagaling ang tubig na ginagamit sa araw-araw ng mga residente. Ang nasabing water system ay naipatayo sa tulong nina Cong. Tet Garcia at Gob. Abet Garcia.

Facebook Comments