Suporta ni Mayor Concepcion sa MDH, pinuri ni Gob. Garcia

Suporta ni Mayor Concepcion sa MDH, pinuri ni Gob. Garcia

Suporta ni Mayor Concepcion sa MDH, pinuri ni Gob. Garcia

83
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Gayun na lamang ang pagmamalaki ni Gob. Abet Garcia noong nakaraang flag raising ceremony sa malaking suportang ibinigay ni Mayor Ace Jello Concepcion sa pagbubukas ng Mariveles District Hospital (MDH).
Ayon kay Gob. Abet, talaga umanong pinagsumikapan ni Mayor Concepcion na maibigay ang lahat ng tulong para lamang mabuksan na ang nasabing ospital dahil kailangang kailangan na umano ito ng mga mamamayan sa Mariveles.
Sinabi pa ni Gob. Garcia na halos araw araw ay tinatanong nya kung ano na ang operasyon ng MDH at natutuwa siyang malaman na talaga umanong inspired at energetic ang mga staff ng nasabing ospital sa pangunguna ni Dr. Hector Santos sa pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan ng Mariveles.
Bagama’t nasa proseso na ang lisensya ng ospital, sinabi umano ni Dr. Santos na napakarami nang buhay ang naisalba nito matapos ang dalawang linggong pagseserbisyo nito.
Dahil sa mahusay na paglilingkod ng lahat ng kawani ng MDH gayundin ng magandang samahan ng LGU Mariveles sa ospital at upang mabigyan ng maayos na serbisyong medikal ang mga mamamayan, ibinalita ni Gov. Garcia na lalagyan na ng air conditionng unit ang buong pasilidad ng Mariveles District Hospital.
Gayundin upang higit pang maging mas maliwanag at maaliwalas ang nasabing ospital para sa mga pumupunta at dinadalang pasyente lalo na sa gabi ay lalagyan na rin ito ng solar-powered lights.

Facebook Comments