Suporta sa trade fair, hiling ni Bokal Gaza

Suporta sa trade fair, hiling ni Bokal Gaza

Suporta sa trade fair, hiling ni Bokal Gaza

128
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Kinatawan ni Board Member Aris Gaza, Chairman ng Committee on Tourism sa Sangguniang Panlalawigan, si Vice Gov. Cris Garcia, sa pagbibigay ng mensahe sa unang araw ng pagdiriwang ng ika-262 taon ng pagkakatatag ng lalawigan ng Bataan.
Sumentro si Bokal Gaza sa Trade Fair na aniya pa ay paraan para makilala ang lalawigan gayundin ang mga tao o personalidad kagaya nina Bb. Evangeline Pascual, Bb. Janine Togonon, mga beauty titlists na kapag
binanggit mo ay sasabihing, ah taga Bataan yan; mga produkto tulad ng tuyo, tinapa, sugpo at alimango ay sasabihing, ah galing Bataan yan at lugar tulad ng Bundok Samat, Sinagtala at natatanging mga beaches ay sasabihing, ah sa Bataan yan.
Sinabi pa ni Bokal Gaza na hamon niya sa mga lumahok sa Trade Fair na idinaraos sa selebrasyon na may kaugnayan sa kauna-unahang kaarawan ng ating lalawigan na, mainam na maging kakaiba, bago at natatangi ang mga produkto ng Bataan na ating ipapakita.
Ikinuwento pa ni Bokal Gaza na galing umano siya sa bayan ng Agoo, La Union na 484 taon na, at kung ikukumpara sa ating lalawigan na 262 taon ay bata pa at marami pang pwedeng patunayan, kaya mainam umano na tayo ay nasa tamang direksyon sa patnubay ng ating mga lider na nauna si Gov. Tet Garcia at ngayon naman ay si Gov. Abet Garcia.
Hiling niya sa lahat ng dumalo, na sa tatlong araw na pagdiriwang ng pagkakatatag ng ating Lalawigan ay suportahan natin ang Trade Fair, imbitahan natin ang ating mga kaibigan, pamilya at iba pang mga kakilala para
makita at matikman ang kakaibang galing ng Bataan.

Facebook Comments