Tamad lamang ang magugutom sa Barangay Tala

Tamad lamang ang magugutom sa Barangay Tala

Tamad lamang ang magugutom sa Barangay Tala

106
0

ORANI, Bataan – Ito ang malinaw na pahayag ni Chairman Felecito Payumo
sa pagpapasinaya sa ikatlong infinity pool sa Sinagtala Resort and Adventure Park sa bayang ito.
Ayon sa mahusay na dating SBMA Chairman, masigla na ang komunidad ng Brgy. Tala dahil karamihan sa kanila ay may mga na trabaho at kabuhayan.
Sinabi pa ni Payumo na halos lahat ng trabahador sa Sinagtala ay mula sa nasabing barangay na kanila umanong sinasanay sa iba’t ibang gawain sa resort bukod pa doon sa mga turistang bumibili ng mga prutas at gulay na ani ng mga taga barangay.
Subali’t ang higit na kamanghamangha ayon pa kay Payumo ay wala na umanong namumutol ng kahoy/puno sa kabundukan o kagubatan, na dagdag pa niya, “eh bakit pa mamumutol ng puno gayong may mga trabaho na dito?”.

Facebook Comments