Taus-pusong pakikiramay ni Gov. Abet Garcia

Taus-pusong pakikiramay ni Gov. Abet Garcia

Taus-pusong pakikiramay ni Gov. Abet Garcia

187
0

ORION, Bataan – Taus-pusong nakiramay sa mga nasunugan sa Sitio Depensa, Barangay Capunitan, Orion noong Biyernes, Pebrero 1, si Bataan Gov. Abet Garcia, sa mismong kaarawan nito.
Ipinahayag ng gobernador na tanging wish niya sa kanyang kaarawan ay sana maging maunlad at maayos na ang kalagayan ng mga nasunugan na umaabot sa 1,018 pamilya.
“Ipinanalangin ko po na sana’y maiayos na ang inyong kalagayan at maging madalas sana ang ating pag-uusap upang sa ganun ay maging madali ang pagsasaayos ng inyong relokasyon,” pahayag ni Gob. Abet.
Nakipagkamay at nakipag-usap ang gobernador sa mga residenteng nasunugan at binanggit ng mga ito na “sana’y manatili sila sa kanilang dating tirahan.
Dahil dito sinabi ng gobernador na kanyang pupulungin si Orion Mayor Tonypep Raymundo, National Housing Authority, Department of Environment and Natural Resources, Department of Health, at Department of Social Welfare and Development upang maayos at mabigyan ng agarang solusyon ang mga problema.

Facebook Comments