Home News Health Tobacco Free Generation (TFG), target ng Dinalupihan
Tobacco Free Generation (TFG), target ng Dinalupihan

Tobacco Free Generation (TFG), target ng Dinalupihan

60
0

DINALUPIHAN, Bataan – Tinatarget ngayon ng bayang ito na maipasa ang isang ordinansa na ang makikinabang umano ay ang mga ipinanganak noong taong 2000 pataas. Ito ay ang Tobacco Free Generation ordinance.

Ayon kay Dinalupihan Vice Mayor Dr. Renato Matawaran, marami na sa kanilang mga kababayan ang sumusunod na sa ganitong pamamaraan kung kaya’t ang batas na ito ay kailangan nang agad na maipasa at malagdaan ng konseho upang maging isang ganap na batas.

Matatandaang naipasa nila ang No Smoking ordinance sa bayang ito noong 2014 at naibaba sa 46 na barangay kung saan nakita umano nila na malaki ang naging epekto sa pagbabago ng kanilang mamamayan.

“Halos 100 porsyento sa mga barangay ay sanay na sa ganitong ordinansa, maging iyung mga batang mag-aaral alam na nila ang smoking ban kaya masasabing napakaganda ang naging bunga ng implementasyon ng batas na ito”, sambit pa ni Matawaran.

Facebook Comments