Traktora, ipinagkaloob sa mga magsasaka

Traktora, ipinagkaloob sa mga magsasaka

Traktora, ipinagkaloob sa mga magsasaka

206
0

LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Isang traktora na aabot sa halagang P850,000 ang ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni City Mayor Francis Garcia sa Sulong Magsasaka Association kasabay sa isinasagawang Barangay Learning Week sa Barangay Central noong ika-26 ng Nobyembre.

Kaugnay nito pinasalamatan ng mga opisyal at miyembro ng samahan ang Pamahalaang Panglunsod at ang tanggapan ng City Agriculturist at Department of Environment and Natural Resources sa pangunguna ni Bb. Nerissa Mateo

Idinagdag pa ng grupo na malaking kaginhawahan ito sa mga miyembro dahil hindi na sila magbabayad ng malaki kapag sila ay magpapabungkal ng kanilang bukid para matamnan. Ipaparenta nila ang nasabing traktura sa ibang magsasaka para kumita at maging pondo ng samahan.

Ipinangako din ng samahan na kanilang sisinupin at iingatan ang mga gamit pambukid na ibinigay ng Pamahalaan upang matagal pa mapakinabangan nang maraming magsasaka.

Facebook Comments